*Church History
*Picture Gallery
*Music Ministry
*Board Officers 2010
*HOME

Dampol IEMELIF 33rd Church Anniversary
You are invited
to our
33rd Church
Anniversary!
This will be held
on our local
congregation on
September 12,
2010.
Pls. be there!!!

You can e-mail us
at dampoliemelif@hotmail.com.

Thank You!!!

List of Updated Persons :

CEO:
Dampol IEMELIF Church
Members:
John Paul Baez
Jasper Dela Cruz
Jerby Baez
Julie Rose Baez
Myra Jane Baez
Nicko De Guzman
Jezryl Dela Cruz
Ryan Aries Lopez
Mike Renzel Lopez
Jeremiah Reyes
Rosemarie De Guzman
Jahaziel Trinidad
Nemuel Trinidad Jr.
David Mark De Guzman
Eunice Esguerra
Len Bobis

Dampol IEMELIF Links

IEMELIF WEBSITE

DAMPOL IEMELIF FORUM SITE

PKKI OFFICIAL WEBSITE

BANLAT IEMELIF CHURCH

MALATE IEMELIF CHURCH

PAMPLONA IEMELIF CHURCH

TANGOS IEMELIF CHURCH

img
Church History
img
Click here to edit your pageClick here to go to your office

Taong 1965, nang unang mahasikan ng salita ng Dios ang dako ng Dampol na mayroong 20-30 bilang ng mga batang dumadalo sa Sunday School. Ang gawaing ito’y pinangunahan ng mag-asawang Leandro “Ato” Esguerra, Sr. at Eufrocina “Nene” Esguerra na naging instumento ng Dios upang maihayag ang mabuting balita sa lugar ng Dampol. Kabilang sa panimulang gawain sina; Pol Esguerra, Tessie Ramos, Ptr. Gammy Alba, at ang Ptr. Cenon Camacho, Sr. na noon’y kasalukuyang pastor ng Pasay (Alpha & Omega).
Nagsimula ang gawain sa silong ng bahay ng Lolo Andoy, naging mapagpala ang gawaing iyon. Lumipas ang panahon patuloy ang gawain sa lugar ng yaon hanggang sa makahikayat ng humigit’kumulang na 60 bilang ng mga bagong kaanib na tumanggap ng buong puso sa ating Panginoon. Dahil dito sinimulan ang Pananambahan sa garahe lamang ng nasabing bahay na pagmamay-ari ng Lolo Andoy at Lola Canding Esguerra na tinuturing nating haligi ng Iglesiang ito.
Noong ika-11 ng Setyembre, 1977 ay ginunita ang Unang Anibersaryo sa nasabing garahe, na nagkaroon ng kaunting salu-salo at kabilang sa mga panauhing dumalo ay si G. Bjorcas na namamahala ng Norwegian Mission Alliance, Philippines (NORMA) at ito ay dahil na rin sa paanyaya ni Bb. Imelda Tayao at ate Elda Saturing na noo’y kasalukuyang Social Worker ng NORMA at kasalukuyan ding kaanib ng ating mahal na Iglesia.
Sa pakikibahagi ni G. Bjorcas, nakita niya ang pinagdausan ng gawain na katabi ng kulungan ng mga manok at baboy ng Lolo Andoy . Sa puntong iyon nagmungkahi si G. Bjorcas na humanap ng lupang mapagtatayuan ng kapilya at ang NORMA ay tumulong sa pagpapatayo ng naturang gusali. Hindi naglaon, sa tulong ng Pasay at ng ilang mga kapatiran ng IEMELIF, nakabili ng lupa ang Dampol sa halagang
P28, 000.00 lamang. Madaling natapos ang kapilya at itinilaga nang sumapit ang ika-2 Anibersaryo nito noong taong 1979. Doon ay ibinigay ang boung kapamahalaan at pagmamay-ari ng Dampol IEMELIF Church ang naturang gusali. Kabilang sa mga dumalo ay ang ating mahal na Obispo Geronimo Maducdoc at G. Biortoc na may pinakamataas na katungkulan sa NORMA. Sila’y lumagda ng kasunduan at katibayan sa harap ng mga panauhing naging saksi at mga kapatiran.
Ang Kataastaasang Konsistoryo ng Resulosyon taong 1977 na naglalaman ng pasasalamat sa mga kaanib ng IEMELIF at NORMA na nagkaloob ng tulong pinansyal at panalangin upang maitayo ang sambahan ng Dampol. Ang lahat ng mga papeles at dokumento ay sa ating mahal na Iglesia nakapangalan.
Dumaan ang ilang taon, nagpatuloy ang gawain sa ating Iglesia kung kaya’t ang Dampol ay kinilala bilang isang Kongregasyon. At sa pagkakilala bilang isang kongregasyon, ang Panginoon ay nagtalaga ng mga lingkod manggagawa upang ang Salita ng Panginoon ay patuloy na lumaganap.
Simula taong 1977 hanggang taong kasalukuyan, narito ang lingkod na ginamit ng Dios upang maipahayag ang kanyang mabuting balita; ang Reb. Armando Rivera ang unang pastor na naitalaga sa dako ng Dampol, ang Reb. Cenon Camacho, Jr. na anak ng ating butihing Ptr. Camacho, Sr., ang Reb. Angelito Lacap, Reb. Benny Abiella, ang Reb. Angel Guinto, Sr. na nagpasimula ng misyon sa dako ng Dulong Malabon, Pulilan, Bulacan, ang Reb. Ernesto at Diak. Mercie Ocseña, Reb. Ernesto Pineda, Reb. Paul Gugulan na noon ay binata pa, ang Reb. Jonathan Ramos, Diak. Nora Camacho na anak din ni Ptr. Camacho, Sr., PPP. Orlen Reyes ay ginamit din ng Dios sa dakong ito, ang Ptr. Dennies dela Rosa na hindi naging dahilan ang kanyang pag-aaral sa paglilingkod sa dakong ito, ang Ptr. Lito Baez, ang Reb. Arman Buenaobra na apo ni Ptr. Cenon Camacho, Sr., ang Reb. Saturnino Tolentino na itinuring na lolo pastor ng mga kapatiran ng Dampol, ang noon’y Distrito Superintendente Reb. Benjamin Puno ay nakapiling din natin sa paglilingkod, Reb. Portunato “Jhun” Serafin, ang mag-asawang Reb. Alexander at Diak. Maribel Estudillo na ginamit din ng Dios sa loob ng limang (5) taon, at sa taong kasalukuyan, muling itinalaga ng Panginoon na noon’y nakapiling na natin ang Reb. Angelito Lacap na muling nagpanumbalik ng buhay at sigla sa paglilingkod sa mga datihan nating kapatiran.
Sapagkat ang Dampol ay anak ng Pasay, hindi ito nanatili bilang anak nito, ito rin ay nagkaroon ng anak ang Kongregasyon ng Dulong Malabon, Ito ay dahil na din sa tulong ng ating Panginoon at ng ating mga kapatiran sa pangunguna ng butihing Pastor Reb. Angel Guinto na walang sawang naglingkod sa dakong iyon upang lumaganap pa lalo ang Salita ng ating Panginoon.
Hindi naglaon’y nakaroon ng mga manggagawang anak ng Dampol tulad nina Ptr. Lito Baez, Diak. Mila Baez, Diak. Emily Esguerra-Garcia, Ptr. Adonis Lopez, PPP. Orlen Reyes at Diak. Malou Cruz-Sacdalan na patuloy na ginagamit ng Panginoon sa kanyang ubasan.
Sa patuloy na pagtahak ng panahon ang Dampol ay patuloy at magpapatuloy pa sa paglilingkod sa ating Panginoon. Sa kasalukuyan, mayroon tayong mga ilang lugar na minimisyunan at pinangungunahan ng ilan nating mga kapatiran; ang Matungao, Bulakan, Bulacan na pinangungunahan ni PPP. Orlen Reyes at ng ilang mga kapatiran, ang Dampol 2nd B na pinangungunahan ni MLP. Jhuner dela Cruz at sa paggabay ng ating butihing Ptr. Lacap,at ang Tabon na nagdadaos din ng Bible study sa mga bata tuwing araw ng sabado na pinangungunahan ng ilang mga Sunday School Teacher at ilang kabataan sa paggabay ng Pangulo ng Edukasyong Kristiyana.
Sa patuloy na pagtahak ng mahabang panahon ang Dampol ay tunay na pinili ng Dios upang maipalaganap ang Kanyang Salita sa maraming mga pinili o Free Christian.
And kasalukuyang manggagawa na itinalaga ng Diyos sa dakong ito ay si Rev. Nemuel Trinidad katuwang ang kanyang asawa na si Ptra. Fe Trinidad.
Ang Dampol IEMELIF Church ay katangi-tangi na taglay ang Buhay, Pag-asa, Kagalakan, Pag-ibig at Pananampalataya.

 
190 Visitors  Church History | Picture Gallery | Music Ministry | Board Officers 2010 | HOME | WRITE US

TOP